Isang pagbabalik-tanaw nung araw na ako na nahirang bilang isang kawani ng gobyerno. Kagaya ng karamihan, nag-umpisa sa mababang “salary grade” na angkop sa kwalipikasyon. Nakatuon pagkatapos noon ang araw-araw pagpasok ng maaga sa opisina at pag-uwi sa bahay kaagad matapos ang araw na trabaho. Pasok sa trabaho at uwi ng bahay ang nakasanayang gawain na sa kalaunan dahil sa ito ay paulit-ulit . . . naumay na ako.

Napagpasyahan kong mas pahirapan ang sarili ko. Nag-enroll ako ng panibagong kurso.  Mayabang ako eh.  Gusto ko double degree.  Di na lang puro pasok sa trabaho at uwi ng bahay ang gagawin ko – madagdagan na rin syempre ng pasok sa trabaho at uwi ng bahay ng pasok sa eskwela at aral aral “for a change” ika nga. 

Mantakin mo, natapos ko din. Naka-gradweyt na ako. Kaya lang kelangan ko palang mag take ng exam para igawad sa akin ang “titulo”. Hindi naman din mandatory ang pagkuha ng exam pero dahil mayabang ako, gora ako. Take ako ng exam.  Need ko mag review. Yung focus ba.  Tutal naman naka-one (1) year na ako sa opisina, file ako ng sabbatical leave. 

Ano nga ba ang sabbatical leave?  Ito yung di ako papasok sa opisina, mag review lang ako (hehe, di siguro).  Kung may pera ka, eto yung aatend ka ng review center or kung purita naman like me, sa bahay na lang mag-review. Ang sabbatical leave hindi iaawas sa vacation or sick leave mo.  Minsan ang tawag din dito Study Leave.  Tuluy-tuloy pa rin ang pagtanggap mo ng sahod at iba pang benepisyo.  Ang saya di ba?  Kaya lang may kaakibat itong obligation contract.  Need mong mag stay sa agency for 2 years from the time na magreport ka na sa opisina kung ang Sabbatical/ Study Leave mo ay katumbas ng anim (6) na buwan.  Kung sa tingin mo may better opportunity sa iyo sa labas ng agency mo at di mo matatapos ang 2-year obligation mo, may percentage kang ibabalik sa opisina.  Eh paano kamo kung di pumasa?  Walang problema! File ka ulit ng panibagong sabbatical leave pero wait mo muna matapos yung 2-year obligation mo and of course, give chance to others.

Ganun lang naman talaga ang buhay. Sulong, Bangon at Sayaw para sa pangarap.  Fight lang ng fight. (SP)